Saturday, February 7, 2009

Banal Mong tahanan


Ang puso ko’y dinudulog Sa’yo

Nagpapakumbaba, nagsusumamo

Maging dapatin Mong
Ikaw ay mamasdan

Makaniig Ka at Sa’yo ay pumisan

Loobin Mo ang buhay ko’y
Maging banal Mong tahanan
Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta


Daluyan ng walang hanggang mga Papuri’t pagsamba
Maghari Ka O Diyos Ngayon at kailanman

No comments:

Post a Comment